You need to enable JavaScript to run this app.
Product Guide
Sign in
Home
Contests
Recipes
Food
Tracker
Topics
Articles
Login / Signup
Articles
Community
Poll
Photos
Food
Recipes
Topics
Read Articles
Tracker
Pregnancy Tracker
Baby Tracker
Rewards
Rewards
Contests
VIP Parents
More
Feedback
Privacy Policy
Community Guidelines
Sitemap HTML
Download our free app
Mama Lissa Isang ina na kahit maraming sakit na iniinda, hindi parin tumitigil at hindi nagsasawang alagaan kaming apat nyang anak kahit nag iisa na lang. Nangungulila man siya sa asawa, ginagawa parin nya ang lahat mapunuan lang ang pagmamahal samin. Isang ina na walang sawang umuunawa samin sa kabila ng mga kasalanan namin. Isang ina na kahit pagod na pagod na sya, andyan parin sya para suportahan ako at tulungan sa pag aalaga ng baby ko. Isang ina na hindi ako iniwan mag isa sa hospital kahit wala pa siyang tulog dahil sa panganganak. Isang ina na andyan para alagaan ako after kong manganak and the same time alagaan din ang anak ko. Isang ina na mapagpatawad sa kabila ng kasalanan ko lalo na nung nagbuntis ako ng hindi kasal. Mama kung mababasa mo man ito, sorry sa lahat ng kasalanan ko. Sorry kasi di ako naging mabuting anak. Sorry po kung na disappoint kita. Sorry kung nasaktan kita ng husto. Mama Salamat sa pagmamahal at pag aalaga. Salamat sa pag aalaga kay baby lalo na nung nagkasakit ako after kong manganak. Salamat sa pagtanggap sa anak ko kahit galit ka sa tatay nya. Salamat dahil ikaw ang mama ko. Ipapangako ko po na sisikapin ko na maging mabuting anak at maging mabuting ina sa anak ko. Ikaw ang inspirasyon ko. Hinahangaan po kita sa pagiging ina. Mahal na mahal ka po namin ng mga anak mo at ng apo mo! Siya nga po pala si Anna Lissa Lavarez. Ang aking ina at siya ang inspirasyon ko na maging mabuting ina.
Ma. Nica Lyza A. Lavarez
Mom of Charles Lorenz
4y ago
Share
Home
PhotoBooth
Photo
Tools
Articles
?
Feed
Poll